Ikinulong ng 2 kapwa kababayan 16 CHINESE NASAGIP NG NBI SA PAMPANGA

NASAGIP ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 16 Chinese nationals habang inaresto ang dalawa nilang kababayan na umano’y sapilitang nagpapatrabaho sa kanila ng hanggang 18-oras at hindi pinalalabas sa Angeles City, Pampanga.

Katuwang ang pinagsanib na pwersa ng Central Luzon Regional Office, Pampanga District Office (PAMDO), at International Operation Division (IOD), ikinasa ng mga awtoridad ang rescue operation na nagresulta sa pagkakasagip sa mga biktima at nadakip ang kababayan nilang sina Huan Heng Su at De Long Wang na kapwa kinasuhan ng serious illegal detention sa ilalim ng Article 267 ng Revised Penal Code (RPC).

Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng isang Filipina na girlfriend umano ng isa sa mga biktima.

Nabatid sa report, ang mga biktima ay dating nagtatrabaho bilang customer service representative sa Parañaque City ngunit inilipat sa Angeles City, Pampanga noong Oktubre 31, 2023.

(RENE CRISOSTOMO)

124

Related posts

Leave a Comment