ILLEGAL RECRUITER TANGKANG SUMIBAT, ARESTADO

HINDI nakaalis ng bansa ang isang 43-anyos na dalaga na may kasong large scale estafa at illegal recruitment makaraang masabat sa Ninoy Aquino International Airport, Pasay City noong Sabado ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Maria Rowena Himor, residente ng Barangay Lagasit, San Quintin, Pangasinan.

Ayon sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Division D-2, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District, bandang alas-3:00 ng hapon nang abangan ang target ng operasyon sa NAIA Terminal 3 sa lungsod ng Pasay.
Inutos ni Samonte na magsagawa ng pagmamanman dahil nakatanggap sila ng impormasyon na ang dalaga ay paalis ng bansa.

Sa Pangunguna nina Police Major Dave Garcia, deputy chief ng SMaRT, Police Captain Edgar Julian, kasama ang puwersa ng PNP Aviation Security Group na pinangunahan ni Major Prince Kenneth Palma, inaresto ang suspek habang pasakay na sa eroplano.

Isinilbi sa suspek ang arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Randy Bulwayan ng Regional Trial Court Branch 23, ng Roxas, Isabela, sa kasong large scale estafa at syndicated illegal recruitment na walang inirekomendang piyansa. (RENE CRISOSTOMO)

153

Related posts

Leave a Comment