IMBESTIGASYON SA EXPIRED COVID VAX NAGPAPATULOY

PATULOY na nagsasagawa ng fact-finding investigation ang National Vaccination Operations Center (NVOC) kaugnay sa ilang COVID-19 vaccines na ipinamahagi sa ilang local government units at malapit nang mag-expire subalit hindi naiturok sa katatapos lamang na Bayanihan, Bakunahan.

“We’re still doing a fact-finding investigation. Wala pa kaming conclusion with regard to that,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Sinabi ni Nograles na ang mga bakunang mayroong mas maagang expiration dates ang dapat unang gamitin.

Sinusuring namang mabuti ng vaccine cluster ang expiration date at kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan sa vaccine manufacturers.

“In fact, nagsalita na si Secretary Charlie Galvez at iba pang member ng vaccine cluster na there are some vaccines na bagamat sinasabi ang expiration date is ganito, based doon sa pag-assess nila ay magagamit pa rin naman po. Meron tayong papeles na nagsasabi na puwede pang gamitin ‘yan,” ang pahayag ni Nograles. (CHRISTIAN DALE)

2

Related posts

Leave a Comment