IMEE NAMAHAGI NG TULONG SA TAGUIG AT PATEROS

BINISITA ni Senadora Imee R. Marcos ang lungsod ng Pateros at Taguig upang mamahagi ng tulong pinansyal.

Katuwang ni Sen. Marcos ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Ike Ponce III, na nagsagawa ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Payout ngayong Martes, September 19.

Isanlibong (1,000) residente ng Pateros ang nakatanggap ng P3,000 cash assistance para sa kanilang mga pamilya.

Sunod na pinuntahan ni Senadora Imee ang Taguig City kasama si Mayor Lani Cayetano para bisitahin at kamustahin ang solo parents sa lugar.

Dalawang libong (2,000) solo parents naman ng lungsod ang nabahaginan din ng P3,000 bawat isa mula sa programang AICS ng DSWD.

Sa dalawang lugar na pinuntahan, may dalang mga nutribun at mga laruan ang senadora para sa mga kabataan na kasama ng mga benepisyaryo.

(DANNY BACOLOD)

174

Related posts

Leave a Comment