IMPEACHMENT VS SARA ISINAMPA NA

PORMAL nang sinampahan kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng impeachment case si Vice President Sara Duterte.

“Today, I formally endorse the first-ever and historic impeachment complaint filed by our citizens against Vice President Sara Duterte,” ani Akbayan party list Rep. Perci Cendaña.

Bukod sa partido ni Cendaña, kasama sa complainant si dating sen. Leila de Lima at kabilang sa grounds ay betrayal of humanity public trust, culpable violation of the constitution, other high crimes o graft and corruption.

Layon umano ng mga ito na panagutin si Duterte sa kanyang maling paggastos sa kanyang confidential fund mula 2022 hanggang 2023 na nagkakahalaga ng P612.5 million.

“I stand in full support of the brave citizens calling for Duterte to answer for her blatant violations of the Constitution, egregious corruption, and complicity in mass murder,” ayon sa mambabatas na tanging endorser ng impeachment complaint.

“Panahon na para isara ng taumbayan ang bangunot na dulot ni Sara. Vice President Duterte deserves to be impeached for her abuse of power and plunder of the nation’s coffers,” dagdag pa nito.

Subalit kung si House committee on good government and public accountability chairman Rep. Joel Chua ang tatanungin, posibleng di uusad ang kaso dahil sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., huwag ituloy ang pagpapa-impeach kay Duterte dahil makasisira lamang ito sa trabaho ng gobyerno.

“Pag nagbigay ng opinion ang presidente, syempre medyo mahirap rin po talaga mag muster ng suporta pagdating po dito pero just the same ako naman po personally, nakikita ko po talagang medyo challenging din po talaga. Pagdating po ng February, e national campaign na po so paano po natin isisingit itong impeachment?,” ani Chua na nag-iimbestiga sa confidential fund ni Duterte.

Dahil nag-iisa si Cendaña na nag-endorso sa kaso ay dadaan ito sa House committee on justice para dinggin subalit kung aabot ng 1/3 o katumbas ng 105 congressmen ang endorser ay iaakyat agad ito sa Senado na tatayong Impeachment Court. (BERNARD TAGUINOD)

48

Related posts

Leave a Comment