INA PINATAY DAHIL SA LUPA

NALAMBAT ng pulisya ng Malabon City ang isang lalaking sinasabing pumatay sa sariling ina dahil sa usapin sa lupa.

Kalaboso si Donard Suan, nasa hustong gulang, nahaharap sa kasong parricide.

Noong Setyembre 19, 2022, lasing na tinungo ni Suan ang ina at nagtalo ang dalawa hanggang sa saksakin ng suspek ang biktima at napatay.  Magmula noon ay nagtago na ang si Suan.

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rosario Santos Carrieda ng Regional Trial Court Branch 75, Negros Occidental. (ALAIN AJERO)

46

Related posts

Leave a Comment