Inilunsad ng PNP Bicol, TESDA, LGUs SKILLS, LIVELIHOO PROGRAM SA EX-REBELS

UMABOT sa 25 rebel returnees ang naging benepisyaryo ng inisyatibo sa inilunsad na skills and livelihood training program ng Camarines Sur Police Provincial Office (CS PPO) sa tulong ng TESDA.

Ang programang ito ay naka-angkla sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP na ipinatutupad ng gobyerno para patuloy na mabigyan ng direksyon at pag-agapay ang mga dating nalihis ng landas.

Ang E-CLIP ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong bigyang ng tulong at pagkakataong magbago ang mga dating naging kasapi ng New People’s Army.

Sa pamamagitan nito, sila ay mabibigyan ng iba’t ibang tulong, kaalaman, at kasanayan na kanilang magagamit sa pagbabagong buhay. Ang tulong na ito ng pamahalaan hindi lamang sa kanila kung pati na rin sa kanilang pamilya at komunidad.

Kaugnay nito, noong Nobyembre 22, 2021 nang pormal na simulan ng CS PPO ang “Skills Livelihood Training” katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa loob ng 4th Mobile Force Platoon, Barangay Duran, Nabua, Camarines Sur.

Pinangunahan ng Camarines Sur 2nd Provincial Mobile Force Company ang nasabing programa. Ito ay dinaluhan ng lokal na pamahalaan ng Nabua sa pamumuno ni Mayor Fernando D. Simbulan, Mr. June B. Oliveros, Center Administrator ng TESDA Regional Office 5, at Mr Roberto De Las Llagas, Asst Provincial Director, Naga City.

Ang PNP Bicol sa pangunguna ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, RD, PRO5, ay patuloy ang pagpupursige upang bigyan ng gabay at tulong ang former rebels na nabulag sa mga pangakong salita ng rebeldeng samahan. (JESSE KABEL)

3

Related posts

Leave a Comment

ADVERTISE WITH US!

Email: advertise@saksingayon.com

Phone: 7757-2769

Address: #85 Unit F, Scout Rallos St., Brgy. Sacred Heart, Diliman, Quezon City