INIWAN NG MAG-INA, BINATILYO NAGBIGTI

NADISKUBRENG nakabigti sa kanilang bahay ang isang 16-anyos na binatilyo makaraang iwanan ng kanyang kinakasama at ipagkait ang kanilang anak, sa San Andres Bukid, Manila nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Jude Angelo Tumilac, residente ng San Andres Bukid, Manila.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Jason Ibasco kay Police Lieutenant Dennis Turla, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-12:00 ng madaling araw nang madiskubreng nakabigti ang biktima sa kanyang kuwarto.

Isinugod ang biktima sa Ospital ng Maynila subalit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa ina ng biktima, labis na nalungkot ang kanyang anak nang iwan ng kinakasama dala ang kanilang anak. (RENE CRISOSTOMO)

117

Related posts

Leave a Comment