Iniwan sa umaandar na sasakyan BANGKAY SA BACKSEAT

BATANGAS – Isang hindi pa nakikilalang bangkay ng lalaki ang nadiskubre sa loob ng isang umaandar na nakaparadang kotse sa bayan ng Calaca sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga.

Batay sa report ng Calaca Police, nadiskubre ng dalawang residenteng malapit sa lugar ang bangkay ng biktima sa backseat ng isang gray na Mitsubishi Mirage na iniwang umaandar sa gilid ng barangay road sa Barangay Cahil, bandang alas-5:30 ng umaga.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, may mga tama ng bala sa iba’tibang bahagi ng katawan ang biktima.

Narekober sa crime scene ang 12 basyo ng 9mm na baril. Wala pang pagkakakilanlan ang biktima na tinatayang 35-40 anyos, at may taas na 5’7″.

Inaalam din kung sino ang may-ari ng walang plakang kotse at walang conduction sticker, at ang tanging marka ay ang sticker nito na may nakasulat na “City of Bacoor Solidarity Route” na nakadikit sa windshield. (NILOU DEL CARMEN)

62

Related posts

Leave a Comment