INMATE SA RIZAL NAGSAKIT-SAKITAN, NAKATAKAS

RIZAL – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang inmate na tumakas habang dinadala sa ospital noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ng nakatakas na si Ryan Caballa Lozano, inmate sa Teresa, Rizal Municipal Police Station custodial facility, nakulong dahil sa kasong illegal drugs.

Ayon sa report ng Teresa Police, dakong alas-7:00 ng gabi nang makatalon at makatakbo ang inmate habang sakay ng patrol car sa Corazon C. Aquino Ave. sa Brgy. Prinza, sa naturang bayan.

Dadalhin sana ito sa Rizal Provincial Hospital, sa bayan ng Morong matapos na dumaing ng pananakit ng dibdib at nahihirapang huminga.

Agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang nagrespondeng pulis mga at intelligence operatives ng Rizal Police Provincial Office para mahuli ang tumakas na inmate.

(NILOU DEL CARMEN)

76

Related posts

Leave a Comment