ISA PANG PASAHERO NG NASUNOG NA BARKO NAREKOBER NG PCG

KINUMPIRMA ng Philippine Coast Guard na huling pasahero ng barko na nabalitang nawawala sa nasunog na ferry sa Basilan, ang matagpuan noong Martes.

Ayon sa ulat ng PCG, ang narekober na bangkay sa karagatang sakop ng Hadji Mohammad Adjul, Basilan ang huling nawawalang pasahero ng nasunog na MV Lady Mary Joy 3.

Kinilala ang biktimang  si Private First Class Marion Malda, isa sa mga sundalo ng Philippine Army na lulan ng barko. Bunsod nito, umabot na sa 33 indibidwal ang mga namatay sa insidente.

Nabatid na patungo sana ang MV Lady Mary Joy 3 sa Jolo, Sulu mula sa Zamboanga City noong Marso 29 nang masunog ito dakong alas-10:40 ng gabi. (RENE CRISOSTOMO)

149

Related posts

Leave a Comment