ISA PATAY SA SUNOG SA TONDO

patay

KASAMANG natupok ng kanilang bahay ang isa umanong babaeng PWD sa Barangay 197, Matang Tubig Street, Tondo, Manila, madaling araw nitong Lunes.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, pasado alas-2:00 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa dating palengke sa Villarey Building kung saan naroroon ang biktima na sinasabing edad 30.

Umabot lamang sa unang alarma bago naapula ang sunog at idineklara itong fire under control dakong 3:00 ng madaling araw.

Tinatayang nasa 40 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente. (RENE CRISOSTOMO)

23

Related posts

Leave a Comment