HIGIT 20 million views na as of February 8, ang blockbuster music video ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na pinamagatang ‘Nais Ko’.
Ito ang pinaka pinapanood na video sa YouTube kumpara sa ibang presidential hopefuls.
Sa pakikipagtulungan ng mga sikat na rapper na sina Smugglaz at Bassilyo, ang 4:26-minute music video ay nagpapakita ng humble roots ni Isko sa Tondo bago siya naging isa sa mga pinaka-maimpluwensyang local leader ng bansa. Ang video ay umabot sa 26,000 views sa YouTube sa loob lamang ng isang oras pagkalabas noong tanghali ng December 28.
Makalipas ang 24 hours na maipost ang music video sa Youtube, pinatugtog ito ng halos 900,000 na beses, na nagpapatunay na ang mga eksena ay naglalarawan sa pang-araw-araw na buhay ng mahihirap o ang realidad ng mga tao sa totoong mundo.
“Yun yung tunay na buhay ng tao. Yun yung tunay na sitwasyon,” sabi ni Moreno.
Nalampasan na rin ng music video ni Moreno ang ABS-CBN Christmas Jingle na “Sama Sama Ngayong Pasko”, kahit na ang SSNP video ay nai-post dalawang araw bago ang “Nais Ko” music video.
Ang Jingle ni Vice President Leni Robredo na tinatawag na “Kay Leni Tayo”, na nag-premiere noong August 19, 2021, ay nakakuha lamang ng 203,000 views sa youtube.
Ayon sa Comelec, ang mga kandidato para sa mga pambansang posisyon at party-list groups ay maaaring magsimulang mangampanya mula February 8 hanggang May 7, 2022. (RENE CRISOSTOMO)
176