JAPAN TUTULONG SA OIL SPILL CLEANUP SA ORIENTAL MINDORO

HANDANG makipagtulungan ang mga tauhan ng bansang Japan na eksperto sa oil control, sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) para mapigilan ang pagkalat ng langis na tumagas sa Naujan, Oriental Mindoro.

Base sa ulat ng PCG, direkta silang nakipag-ugnayan kay Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa na nagsabing ang disaster relief expert team ng Japan ay darating sa bansa para tumulong sa paglilinis at pagkontrol sa oil spill.

Noong Pebrero 28 nang tuluyang lumubog ang motor tanker (MT) Princess Empress na may kargang 800,000 litro ng industrial fuel oil sa bahagi ng katubigan ng Naujan, Oriental Mindoro.

Ilang coastal barangay na ang naapektuhan at nagpakita ng mga sintomas ang ilang mga residente dulot ng oil spill.

Sa nagpapatuloy ng operasyon, ang PCG ay naglagay ng oil spill boom sa lokasyon na natukoy kung saan lumubog ang motor tanker. (RENE CRISOSTOMO)

41

Related posts

Leave a Comment