‘JETSETTER’ MARCOS ‘DI RAMDAM KALBARYO NG TRANSPORT SECTOR

HINDI na nagtaka ang dalawang mambabatas sa Kamara na ituloy ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) dahil hindi nito naranasan ang mag-commute at maging mahirap tulad ng mga tsuper ng mga public utility jeep (PUJ).

“Malacanang is so insensitive to the plight of commuters. Palibhasa, lipad nang lipad at hindi naman nagko-commute,” reaksyon ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel matapos tablahin ni Marcos ang apela ng mahihirap na tsuper at operators na palawigin ang deadline sa pag-consolidate ng mga prangkisa.

Ayon sa mambabatas, 30 percent ng mga PUJ sa Metro Manila ang hindi makabibiyahe simula sa Enero 1, 2024 lalo na kapag hindi isinuko ng mga ito ang kanilang prangkisa sa mga kooperatiba at obligahin na bumili ng modernong jeep na pamasada.

Malaking epekto umano ito sa commuters, partikular sa mga estudyante at mga manggagawa lalo na’t walang maayos na transport system sa bansa.

Kinontra naman ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na 70 percent sa PUJ operators at drivers ang pumayag na sa PUVMP dahil wala aniyang kakayahan ang mga ito na bumili ng mga modernong sasakyan na nagkakahalaga ng P2 million.

“There is no basis for this assertion. The reality is that many transport groups have vehemently opposed the PUV modernization program, as it poses a threat to the ownership of vehicles by operators and significantly reduces the income of drivers, putting their livelihood at risk,” ani Brosas.

Naniniwala ang mambabatas na dinoktor na datos ang nakuha ni Marcos dahil tanging ang mga transport official ang kanyang nakausap nang magdesisyon ito na huwag nang palawigin ang deadline sa consolidation ng prangkisa at hindi ang mga tsuper at operators.

(BERNARD TAGUINOD)

164

Related posts

Leave a Comment