KAANIB NG COMMANDO GANG, BINISTAY NG BALA

LIMANG putok ang umalingawngaw sa katahimikan ng madaling araw na nagresulta sa pagkamatay ng isang lalaki  na pinagbabaril  habang naglalakad sa Pier 2, Gate 10, Parola Compound, Tondo, Manila.

Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center subalit hindi umabot nang buhay ang biktimang si Mark Ryan Pellingon, nasa hustong edad, at residente ng Parola Compound, Tondo, umano’y miyembro ng Commando gang, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Batay sa isinumiteng  ulat ni Det. John Paul Rojo, kay Police Lieutenant Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, nangyari ang insidente bandang alas-3:00 ng madaling araw sa nasabing lugar.

Blangko pa ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng gunman dahil tikom umano ang bibig ng ilang posibleng saksi sa katwirang tulog sila nang mangyari ang pamamaril.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para sa ikalulutas ng kaso at upang matukoy ang suspek.

May kinalaman sa bawal na gamot ang isa sa mga anggulong binubusisi ng mga awtoridad. (RENE CRISOSTOMO)

116

Related posts

Leave a Comment