KAGAWAD, 4 PANG WANTED SA RAPE TIMBOG SA BATANGAS

BATANGAS – Lima katao na pawang wanted sa kasong rape ang magkakasunod na naaresto ng mga awtoridad sa lalawigang ito, noong araw ng Linggo.

Ayon sa Batangas Provincial Police Office, kabilang sa arestado ang apat na regional most wanted person at isang barangay kagawad.

Kinilala ang barangay kagawad na naaresto na si Jun Atienza, 47-anyos, residente ng Barangay Dita, sa bayan ng Lemery, na inaresto noong Linggo ng gabi, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 5, ng Lemery noon Nobyembre 8, 2022.

Samantala, naaresto naman ng mga tauhan ng Batangas City Police sa kanyang tirahan noong Linggo ng umaga sa Barangay Catandala, ang 29-anyos na construction worker  na si Ronald Atienza sa bisa ng warrant of arrest sa tatlong kaso ng statutory rape at acts of lasciviousness.

Sa Batangas City pa rin, naaresto rin noong Linggo ng umaga ang isa pang wanted sa kasong rape na si Justine Dipon sa Brgy. Alangilan  dahil sa kasong rape sa isang 12-anyos na batang babae sa

Sa Lipa City naman, natimbog sa Barangay Mataas na Lupa, ang wanted din sa kasong rape na si Bryan Nao, 29, isang construction worker na tubong Mindoro.

Samatala, Inaresto naman sa Brgy. Ligaya, bayan ng Mabini ang 31-anyos na diving instructor na si Marlon Sarong Austria, na napag-alamang wanted din sa kasong rape by sexual assault sa Roxas, Palawan. (NILOU DEL CARMEN)

24

Related posts

Leave a Comment