KAHIT MAY COVID PWEDENG BUMOTO – COMELEC

0

 Hindi mawawalan ng kapangyarihan ang sino mang Filipino na makapamili ng kanilang mga susunod na lider sa 2022 dahil maaaring makaboto pa rin ang mga ito kahit positibo sila sa COVID-19.

Ito ang tiniyak ni Commission on Election (Comelec) Chairman Sheriff Abas sa pagdinig ng House Committee on Appropriation sa P26.7 billion na pondo ng komisyon sa susunod na taon.

“If a registered voter is tested positive for COVID, can that registered voter vote in upcoming May 9 national and local elections?” tanong ni Zamboanga Rep. Manuel Dalipe, vice chairman ng nasabing komite kay Abas.

“Oo naman po. Pwede po silang bumoto,” sagot ni Abas at idinagdag na “…gagawan po namin ng paraan na magkaroon ng parang isolation center sa bawat polling center, so ihihiwalay po natin sila just in case they will be confirmed and then doon natin sila pabobotohin doon sa isolation center.

Ginawa ni Dalipe ang nasabing pagtatanong dahil sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga Filipino na nagpopositibo sa COVID-19 at sa nakaraang mga araw ay hindi bumababa sa 20,000 ang tinatamaan ng nasabing virus.

Dahil dito, nangangamba umano ang mga mambabatas na kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon ay posibleng hindi makaboto ang COVID-19 registered voters sa susunod na halalan.

Pinawi ni Abas ang pangamba ng mambabatas dahil magtatayo umano ang mga ito ng isolation centers kung saan maaaring bumoto ang COVID-19 positive voters.

Samantala, sinabi ng komisyon na 12 oras ang ibibigay nilang panahon sa mga botante para makaboto sa Mayo 9, 2022 o mula ala-sais ng umaga hanggang ala-sais ng gabi.

Maaari pa umanong humaba ang oras na ito kapag may nakapila pa para bumoto bago sa cut-off period na ala-sais ng gabi.

Kinumpirma rin ng komisyon na aabot sa 102 party-list organization ang maglaban-laban sa 20% seat sa Kamara kasama na ang dalawang baguhan mula sa 245 grupo na nag-apply para sumali sa party-list election. (BERNARD TAGUINOD)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment