KALIGTASAN NG MGA ESTUDYANTE SA F2F CLASSES PINATITIYAK SA CHED

BAGAMA’T suportado ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang panibagong memorandum ng Commission on Higher Education laban sa full online classes sa tertiary level, muling iginiit ng senador na dapat iprayoridad pa rin ang kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante.

Kumpiyansa si Go na nakabatay sa good science ang desisyon ng CHED at dapat tiyakin na hindi rin maipapasa sa mga estudyante ang responsibilidad na matiyak ang maayos  na mga hakbangin sa pagbabalik sa normal ng pag-aaral.

Muling binigyang-diin ng senador na dapat manatili pa ring sumunod sa health protocols at huwag maging kampante dahil nasa paligid pa rin ang COVID 19.

Sinabi ni Go na sa gitna ng pagnanasa ng lahat na makabalik sa normal ang pamumuhay, dapat matiyak na hindi pa rin naisasantabi ang pangangalaga sa buhay lalo na’t wala anyang part 2 ang buhay ng tao.

Muli ring kinalampag ng sendor ang gobyerno upang palawakin at paigtingin pa ang kampanya para sa pagbabakuna kontra COVID 19.
Una nang naglabas ng memorandum ang CHED na humihikayat sa Higher Education Institutions na bumuo ng hybrid setup at huwag nang maging full online class. (Dang Samson-Garcia)

14

Related posts

Leave a Comment