KANDIDATONG KAGAWAD PATAY SA PANANAKSAK SA LAGUNA

LAGUNA – Patay ang isang miyembro ng LGBTQ na kandidato sa pagka-barangay kagawad, matapos saksakin ng kanyang kainuman sa bayan ng Victoria sa lalawigang ito, noong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Marvin Laluz, 29, residente ng Brgy. San Felix, Victoria.

Ayon sa report ng Victoria police, dakong alas -3:00 ng madaling araw nang madiskubre ang biktima na nakahandusay sa harap ng kanyang bahay at tadtad ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad itong isinugod sa Bay Medical Center subalit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-12:10 ng madaling araw, habang lasing kasama ang isang

kabataang lalaki pauwi sa kanyang bahay.

Sa follow-up operation, nakilala ng mga awtoridad ang huling kasama nito at itinuturing na ngayong suspek, na si Jerome Peda.

Nakita ang suspek sa CCTV na umangkas sa motorsiklo ng isang Jerry Badiao at dinala sa bahay ng tiyuhin sa bayan ng Magdalena.

Agad nagtungo ang mga operatiba sa Magdalena subalit napag-alaman na hindi tinanggap ng tiyo ang suspek nang mabatid ang insidente.

Inaresto naman ng mga awtoridad si Badiao na nahaharap sa kasong ‘obstruction of justice’.

(NILOU DEL CARMEN)

170

Related posts

Leave a Comment