KARNAP NA MOTORSIKLO NADISKUBRE SA ONLINE

ARESTADO sa entrapment operation ang isang 21-anyos na lalaki nang nabuking na ang motorsiklong kanyang ipinagpapalit sa pamamagitan ng online, ay isang nakaw matapos nagduda ang kausap nito sa Pasig City nitong Huwebes ng madaling araw.

Hawak na ng Bacoor City Police ang suspek na si Bon Bryan Catungal y Alminteros, 21, ng Silang, Pasig City

Nag-ugat ang pagkakaaresto sa suspek dahil sa reklamo ni Ericson Abordo y Mojales, 38, isang Lalamove rider, ng Brgy. Milagrosa, Carmona, Cavite, kung saan tinangay ang kanyang kulay red/black na motorsiklong Suzuki Raider 150 noong Abril 26, 2023 dakong alas-8:00 ng gabi sa Molino-Zapote Road, Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa ulat ni P/MSgt. Armando Perez ng Bacoor City Police, nakikipag-swap umano ang suspek ng kanyang motorsiklo sa pamamagitan ng online, sa isang Ronald Malinay kung saan nagkasundo na makikita sa palengke sa Pasig City.

Ngunit nagduda si Malinay sa nasabing transaksiyon dahilan upang i-report ito sa Pasig City Police (CPS).

Nakipag-ugnayan naman ang Pasig CPS sa Bacoor CPS hinggil sa tinangay na motorsiklo sa kanilang nasasakupan naging dahilan ng joint entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa Palengke sa Pasig City at nabawi ng tinangay na motorsiklo ni Abordo. (SIGFRED ADSUARA)

81

Related posts

Leave a Comment