KATAWAN NG OBRERO NAHATI SA BACKHOE

patay

BATANGAS – Nahati ang katawan ng isang construction worker matapos na tamaan ng bucket tooth ng backhoe sa bayan ng Nasugbu sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Ricardo Domanais, tubong Prieto Diaz, Sorsogon at residente ng Barangay Natipuan, Nasugbu, Batangas.

Ayon sa report, dakong alas-8:30 ng umaga nang tamaan umano ang biktima ng ngipin ng backhoe na ino-operate ng isang nangangalang “Marjun” sa construction site sa Nasacosta resort sa Sitio Aplaya, Barangay Natipuan.

Nagpapatag ng nakatambak na lupa ang operator ng backhoe nang hindi nito napansin na nasa likod ng bunton ng lupa ang biktima at pagbagsak ng bucket ay tinamaan ito.

Bunsod nito, nahati ang katawan ng biktima na agad nitong ikinamatay.

Nasa kustodiya na ng Nasugbu Police ang operator ng backhoe habang patuloy pa ang imbestigasyon sa pangyayari.

(NILOU DEL CARMEN)

202

Related posts

Leave a Comment