TINIYAK ni Chairman Frank “Buboy” Santos ng Barangay Muzon ng Taytay, Rizal na lalo niyang pag-iigihan ang serbisyo sa susunod na mga taon para sa lalo pang pag-angat ng kanilang lugar.
Sinabi ito ni Kap. Buboy sa pamamagitan ng isang zoom conference sa mga miyembro ng media na isinagawa kamakailan.
Ayon sa kanya, noong kasagsagan ng pandemic ay naging number 1 ang kanilang barangay sa pagresponde sa kanilang mga kababayan para magbigay ng kaalaman upang maiwasan ang paglala ng COVID 19 sa kanilang lugar.
Nauna rito, sinabi ni Kap. Buboy na lahat ng kanilang mga ginagawa sa kanilang barangay ay may koordinasyon sa Local Health Unit ng munisipyo ng Taytay.
Dahil aniya sa maagap nilang hakbang na pagbibigay ng mga kaalaman sa kanilang mga kabarangay ay hindi masyadong kumalat ang virus sa kanila lugar.
Kasabay nito, ipinagmalaki ni Kap. Buboy na drug gree ang kanilang barangay.
Aniya pa, tututukan din niya ang peace and order, traffic, garbage collection, pagkakaroon ng brand new na sasakyan, karagdagang CCTV cameras, at modernisasyon ng kanilang barangay.
Nais din ni Kap. Buboy na magkaroon ng Formation Center ang Brgy. Muzon para roon isagawa ang minors transformation.
Ipinagmalaki rin ni Kap. Buboy na ang mga kasama niyang nagpapatakbo sa Barangay Hall ay pawang mga propesyunal tulad ng kanilang secretary na isang lawyer, mayroon din aniyang licensed engineer, teacher, nurse, doktor, dentista at iba pang propesyon.
Binanggit pa ni Kap. Buboy na wala silang problema sa kanilang internet connection dahil nasa 200 MBPS ang lakas nito.
Idinagdag pa niya na bagama’t isang maliit na barangay lamang sa Taytay ang Brgy. Muzon ay patuloy itong umaangat.
Sa katunayan aniya, ang Provincial Sports Complex ng lalawigan ng Rizal ay sa lugar nila ipinatatayo na inaasahang ang lalong magpapaangat sa Brgy. Muzon.
(JOEL O. AMONGO)
352