KELOT NAKALADKAD NG TREN, PATAY

WASAK ang kanang bahagi ng ulo at tapyas ang paa ng isang lalaki makaraang makaladkad ng dambuhalang tren ng Philippine National Railways (PNR) nitong Miyerkoles ng umaga sa A. Lorenzo Street na dating Batangas Street, Barangay 221, Zone 21 sa Tondo, Manila.

Kinilala ang biktima sa pamamagitan ng Medical ID nito sa Tondo Medical Center na nakuha sa belt bag, na si Deus Simbol, nasa hustong gulang, at residente ng Llana St., Tondo, Manila.

Base sa ulat ni Police Major Jaime Gonzales, hepe ng Investigation Section ng Manila District Traffic Enforcement Unit, bandang alas-11:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa north bound lane ng riles ng tren.

Nahagip umano ng hulihang bahagi ng tren na may body number 1101, ang biktimang nasa gilid ng riles. Bunsod nito, nakaladkad ang biktima at tumama ang ulo sa riles. (RENE CRISOSTOMO)

35

Related posts

Leave a Comment