KELOT PATAY SA LOVE TRIANGLE

PATULOY ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila Police District – Homicide Section upang mabatid kung may kaugnayan sa “love triangle” ang pagpatay sa isang 40-anyos na Grab driver na pinagbabaril nitong Biyernes ng hapon sa panulukan ng Felix Huertas at Tayuman Streets, Sta. Cruz, Manila.

Naisugod pa sa Chinese General Hospital subalit nalagutan ng hininga ang biktimang kinilalang si Ronwaldo Lapidario ng San Vicente, Sta. Maria, Bulacan.

Habang ang kasama nitong babae na si alyas “Eva”, 41-anyos, may asawa, ng Yakal Street, Sta. Cruz, Manila, ay masuwerteng hindi tinamaan ng bala.

Mabilis namang tumakas ang suspek na lulan ng puting Toyota Fortuner.

Ayon kay Police Major Arnold Echalar, hepe ng Alvarez Police Community Precinct, bandang alas-1:30 ng hapon nang ratratin ng bala ang biktima habang sakay ng kotseng asul na Suzuki sa nasabing lugar

Unang nagresponde si Major Echalar na isa sa nagsugod sa biktima sa naturang ospital.

Agad silang tumawag sa tanggapan ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng MPD-Homicide Section, na inutos naman sa kanyang mga tauhan ang imbestigasyon sa insidente. (RENE CRISOSTOMO)

34

Related posts

Leave a Comment