‘KILLER’ NG PULIS BULAGTA SA ENGKWENTRO

CEBU – Bulagta ang most wanted person ng Central Visayas matapos makipagbarilan sa aarestong mga pulis sa Purok 2 Campo, Barangay Tapul sa Talisay City, noong Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ang napatay na suspek na si Jenecy Rafols alyas “Atong”, 25, pangunahing suspek sa pagkamatay ng pulis na si Police Staff Sergeant Ryan Baculi noong Nobyembre 15.

Si Sergeant Baculi na miyembro ng Regional Drug Enforcement Unit, ay napatay umano ni Rafols sa buy-bust operation sa Barangay Inayawan.

Nagtago ito mula noon. Subalit natunton ng mga awtoridad ang pinagtataguan nito at ang paghahain ng warrant of arrest sa suspek ay humantong sa engkwentro noong Miyerkoles.

Bago pa nakalapit ang arresting unit, nagbunot umano ang suspek ng .45 kalibreng baril at pinaputukan ang mga awtoridad at tinamaan ang isang pulis na si Corporal Rodgie Louell Montejo.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa agarang pagkamatay ng suspek.

(NILOU DEL CARMEN)

135

Related posts

Leave a Comment