‘KILLERS’ NG POLICE CHIEF NG SAN MIGUEL, BULACAN PROFESSIONAL HITMEN

Camp Alejo Santos, City of Malolos, Bulacan – Miyembro ng well organized crime group at professional hitmen ang mga suspek na bumira sa hepe ng San Miguel Police na si P/Lt. Col. Marlon Serna na napatay sa hot pursuit operation noong nakaraang Sabado ng gabi.

Ito ang kinumpirma ni Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (PPO), base sa imbestigasyon ng Special Investigation Task Group na humahawak sa nasabing kaso.

Ayon sa opisyal, mga propesyonal na killer ang mga suspek base na rin sa estilo ng pagpaslang kung saan si Serna ay tinamaan ng bala sa pagitan ng mga mata mula sa caliber .40.

Ani Arnedo, patuloy ang isinasagawang malalimang imbestigasyon sa naturang kaso habang nadadagdagan pa ang inilaang reward laban sa mga suspek na umabot na sa P1.7-milyon para sa agarang ikalulutas ng kaso.

Samantala, personal na binisita ni PNP chief, Police General Rodolfo Azurin Jr. ang burol ng labi ni Serna sa Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Kasama ni Azurin sina Police Regional Office 3 director, BGen. Jose Hidalgo Jr. at Arnedo nang magbigay pugay at gawaran si Serna ng “Medalya ng Kadakilaan” at ipinagkaloob ang financial assistance sa asawa nito.

“We already have the identity of the suspects and our personnel are working double time to bring justice to where it should be,” ayon kay Azurin.

“He was fulfilling his duty as law enforcer when confronted with such violent action. His loyalty to the commitment to serve and protect the nation will be remembered,” sabi pa ng PNP chief.

Magugunitang si Serna ay napuruhan at napatay ng dalawang hindi pa kilalang mga armadong kalalakihan na riding in tandem sa isang engkwentro o follow-up and hot pursuit operation sa Barangay Buhol na Mangga sa San Ildefonso, Bulacan. (ELOISA SILVERIO)

167

Related posts

Leave a Comment