KLASE, TRABAHO NGAYONG LUNES SUSPENDIDO

walang pasok12

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang suspensyon ng klase at trabaho sa National Capital Region (NCR) ngayong Lunes, Hulyo 24.

Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng publiko mula sa epekto ng bagyong ‘Egay’ at pagaanin ang epekto ng nakatakdang 72-hour transport strike.

“In view of the forecasted inclement weather brought about by Typhoon ‘Egay’ and the scheduled seventy-two (72)-hour transport strike in Metro Manila, work in government offices and classes in public schools at all levels in the National Capital Region are hereby suspended on 24 July 2023,” ang nakasaad sa memorandum circular No. 25 na may petsang Hulyo 21 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Gayunman, nilinaw ni Bersamin na ang mga ahensya ng pamahalaan na may kinalaman at kasama sa pagbibigay ng “basic at health services, preparedness/response” sa pagganap ng mahahalagang serbisyo ay dapat na magpatuloy sa kanilang operasyon at ibigay ang kinakailangang serbisyo.

Samantala, nilinaw pa rin ni Bersamin na ang suspensyon sa trabaho para sa pribadong kompanya at klase sa mga pribadong eskwelahan ay ipinauubaya na sa diskresyon ng kani-kanilang pinuno.

(CHRISTIAN DALE)

215

Related posts

Leave a Comment