KONGRESO POKUS SA PAGPAPAANGAT NG BUHAY NG PILIPINO – ROMUALDEZ

ALINSUNOD sa kagustuhan ng administrasyong Marcos na iahon sa kahirapan ang mga Pilipino dulot ng pandemya, pinaalalahanan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga kasamahan sa Kongreso na isaalang-alang ang kapakanan ng mahihirap na constituents nila.

Ito ang paalala ni Speaker Romualdez sa mga kasamahan sa isang Thanksgiving Dinner sa Taguig.

“Let us prioritize the needs of our constituents first and foremost,” ani Romualdez.

Ang tinutukoy ng lider ng kongreso ay paghahain ng mga batas na makatutulong na maiangat ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino lalo na iyong mga nasa mahirap na sektor.

Kaya noong mga nakalipas na buwan ay pinaimbestigahan ng Kongreso kung bakit mataas ang presyo ng sibuyas.

Natukoy na hinord (itinago) lang pala ang mga sibuyas ng mga negosyante kaya naman muling naglabasan ang mga sibuyas at bumaba ang presyo nito.

Dahil dito, patuloy ang paghahain ng mga panukalang batas sa mababang kapulungan ngayon para sa kalidad ng buhay ng mamamayan.

“Wag natin kalimutan kaya tayo andito dahil nilagay tayo ng mga constituents natin para tulungan sila,” paalala ni Romualdez.

148

Related posts

Leave a Comment