KONSEHAL NG DOLORES, QUEZON PATAY SA PAMAMARIL

QUEZON – Patay ang isang konsehal ng bayan ng Dolores sa lalawigang ito, matapos na pagbabarilin nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Orlando Barsomo, 47-anyos, ng nasabing lugar.

Batay sa inisyal na report ng Dolores Police, dakong alas-3:15 ng madaling araw, naglalakad ang konsehal hindi kalayuan sa kanyang bahay sa Brgy. Dagatan sa nasabing bayan, nang pagbabarilin ito ng hindi pa matiyak na bilang ng mga armado.

Dead on the spot ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek makaraan ang pamamaril.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya at ng mga tauhan ng SOCO hinggil sa insidente.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa krimen at kung sino ang mga suspek. (NILOU DEL CARMEN)

25

Related posts

Leave a Comment