KONSEHAL SAPUL SA TANDEM

SA pagtatapos ng himig ng pambansang awit, muntik na ring matapos ang buhay ng isang konsehal makaraang puntiryahin ng riding-in-tandem sa Barangay San Agustin, Sarrat, Ilocos Norte kahapon ng umaga.

Sa paunang ulat ng pulisya, papasakay na sa kanyang sasakyan si Konsehal Apolonio Medrano pagkatapos dumalo sa flag raising ceremony sa munisipyo, nang paputukan ng hindi pa kilalang mga suspek na lulan ng humaharurot na motorsiklo.

Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang biktimang agad na nilapatan ng lunas.

Ayon sa mga saksi, mabilis na tumalilis palayo sa lugar ng insidente ang mga suspek ulan ng isang Honda XRM na hindi naplakahan. Ang tanging paglalarawan ng mga testigo, nakasuot ng itim na jacket ang isa sa dalawang suspek.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa hangaring tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa tangkang pamamaslang sa konsehal.

Pagtitiyak ng pulisya, kanilang sisilipin ang lahat ng posibleng motibo – personal man o pulitika.

98

Related posts

Leave a Comment