KUSTODIYA NG BALIKBAYAN BOXES IPINAUBAYA NA NG BOC SA BIDDERS

IPINAMAHALA na ng Bureau of Customs (BOC) sa FR Agbay Enterprises ang kustodiya at pamamahagi ng abandoned overseas Filipino workers (OFW) Balikbayan Boxes.

Ito ang kinumpirma ni Robert Uy, presidente ng FR Agbay Enterprises at kinatawan ng Association of Bidders of the Bureau of Customs matapos makipagpulong ang kanilang abogado at ang kampo ng third party na Door-To-Door Cargo Association of the Philippines (DDCAP) sa patawag ni Director Michael Fermin ng Internal Administration Office/ Trade Information Risk Analysis Office ng BOC at siya ring Focal Person ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz.

Sinabi ni Uy na tinawagan siya mismo ni Fermin at sinabing pumapayag na ang BOC na sa kanilang pangangasiwa na ipinamamahala ang pag-release ng mahigit 3,000 OFW balikbayan boxes.
Sinabi umano ni Fermin kay Uy na ‘out of picture’ na ang DDCAP sa usapin ng na-auction na mga bagahe ngunit kailangan ma-inventory muna ang mga bagahe bago isagawa ang door-to-door delivery para sa mga rightful owners o consignees.

Magugunita na inireklamo ng Association of Bidders of the Bureau of Customs ang DDCAP kaugnay ng umano’y panghihimasok bilang third party sa pamamahala ng pamamahagi ng mga inabandonang OFW balikbayan boxes.

Ang 7-pahinang consolidated complaint-affidavit ay ipinarating ng complainants sa pangunguna ni Uy at kinatawan ng bidders association Fermin nito lamang Nobyembre 3, 2022.
Nakasaad sa pitong-pahinang reklamo ay ang hiling ng mga complainants na magsagawa ng kaukulang imbestigasyon laban sa DDCAP, isang forwarding/ logistics business company,  hinggil sa umanoy  panghihimasok nito sa na-auction na balikbayan boxes.

Ayon kay Uy, ikinagulat nila at nadismaya nang makita nila ang social media post ng DDCAP, hinggil sa pag-anunsyo nito na sila na ang hahawak at awtorisadong magre-release ng mga nasabing mga bagahe sa mga claimants o lehitimong kaanak ng mga nagpadalang OFWs.

Noong Setyembre 30, 2022 ay ang FR Agbay Enterprises kasama ang iba pang co-bidders ang nanalo sa auction sa nasabing abandoned balikbayan boxes at siyang may karapatan sa pamamahagi nito sa rightful owners.

Base sa complaint-affidavit, lumalabas na ang trucking services ng nasabing door to door cargo na ang siyang mamamahala sa releasing ng mga balikbayan boxes.
Pahayag ni Uy, sa kanilang proseso ng pamamahagi ay wala silang sinisingil na ano mang kabayaran mula sa consignees habang inakusahan nito ang DDCAP na ang serbisyo nito ay “not for free but ‘at cost'” kung kayat tinututulan nila ang panghihimasok ng DDCAP.

Kahapon, (Nobyembre 7) ay ipinatawag ni Fermin si Uy subalit ang abogado lang nito ang humarap at ang kampo ng DDCAP upang pag-usapan ang legalidad na aksyon. (ELOISA SILVERIO)

17

Related posts

Leave a Comment