Laban sa indiscriminate firing NO MERCY POLICY PAIIRALIN NG PNP

HINDI lang pasaway na pulis kundi maging ang kanilang opisyal ay mananagot kapag nagpaputok ng baril ngayong kapaskuhan at sa pagsalubong ng bagong taon.

No mercy! Ang babala ni Philippine National Police chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa kanyang mga tauhan.

Ayon sa heneral, bukod sa mga pulis na nagkasala ay garantisadong papananagutin din sa ilalim ng batas ang kanilang immediate superior kaya inatasan niya ang mga ito na bantayan ang kanilang mga tauhan.

Gayunman, tiwala umano ang PNP Chief na hindi aabusuhin ng mga pulis ang paggamit ng kanilang service firearms ngayong yuletide season kaya wala siyang planong selyuhan ang kanilang baril.

Salungat sa mga nakagawian, hindi magpapatupad ang PNP ng masking sa muzzle ng baril bago ang New Year’s eve.

Kasunod nito, pinaalalahanan ng PNP chief ang lahat ng unit commanders na bantayang maigi ang indiscriminate firing sa kanilang nasasakupan maging sa kanilang hanay. (JESSE KABEL RUIZ)

37

Related posts

Leave a Comment