LABI NG PINAY NA NAMATAY SA TURKEY QUAKE, SINUNDO NG KAPAMILYA

MULA Lucena City, tumulak nitong Miyerkoles ng tanghali patungo sa NAIA ang pamilya ni Wilma Abulad Tezcan para sunduin ang labi nito.

Ayon kay William Abulad, tatay ni Wilma, ang labi ng OFW ay umalis na sa paliparan sa Turkey dakong alas 2:15 ng madaling araw nitong Miyerkoles, sakay ng Turkish Airline.

Kasama ni Wilma sa flight ang anak nito na si Nicole at inaasahang lalapag sa NAIA Terminal 3 dakong alas 6:00 ng gabi. Kasama sa sasalubong sa labi ang tatay ni Wilma at dalawa pang kaanak.

Naghihintay na rin sa kanilang tahanan  sa Barangay Ilayang,  Dupay, Lucena City ang mga kamag-anak at kaibigan sa pagdating ng labi ni Wilma.

Paglapag sa NAIA, idederitso agad ang labi sa Lucena City

at dadalhin muna ito sa isang punerarya para ayusin at ihanda sa isasagawang burol nito sa kanilang bahay.

Samantala, hindi naman makakasama ang asawang Turkish ni Wilma na si Gurol Tezcan dahil nawala ang passport nito na nasa pag-iingat ni Wilma, nang mangyari ang lindol sa Antakya District sa Turkey. (NILOU DEL CARMEN)

46

Related posts

Leave a Comment