LADY HVI TIKLO SA 11 KILO NG MARIJUANA SA RIZAL

ANTIPOLO CITY – Arestado ang isang high value individual (HVI) na ginang makaraang makumpiskahan ng 11 kilo ng marijuana sa ikinasang buy-bust operation sa Antipolo City.

Ayon ulat ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang suspek na si Maria Victoria Perito y de Guzman, alyas “Mabet”, nakatira sa San Roque, Antipolo, nadakip dakong alas-6:00 ng gabi sa Grand Heights Road, Brgy. San Roque sa lungsod.

Nakumpiska sa suspek ang pinatuyong dahon ng marijuana na may timbang na 11 kilos at nagkakahalaga ng P1,320,000, isang cellphone, eco bag at buy-bust money kasama ang boodle money.

Nauna rito, nakatanggap ng ulat ang mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEY-4A) hinggil sa umano’y lantarang bentahan ng ilegal na droga ng suspek sa lugar.

Sa pangunguna ni P/Capt. Juan Carlo Porciuncula, sa ilalim ng pamamahala ni P/Lt. Col. Rodel Ban-O , chief ng RPDEU, kasama ang Antipolo PNP, Rizal PPO, PDEG, SOU at PDEA-4A, ay isinagawa ang operasyon at nakabili ang asset ng mga awtoridad sa suspek ng marijuana na nagresulta sa pagkakadakip dito.

Dinala na sa Rizal Provincial Forensic Unit ang mga ebidensyang nakumpiska para sa laboratory examination habang kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek. (ENOCK ECHAGUE)

11

Related posts

Leave a Comment