LADY NARCO TRADER TIMBOG SA DRUG BUST

NASAKOTE ng mga operatiba ng PNP Drug Enforcement Group Special Operation Unit 4A, ang umano’y babaeng narco trader habang nakatakas naman ang live-in partner nito na si alyas “Ward” na target sa drug bust operation.

Napag-alaman na si Ward ang kausap ng poseur buyer habang pinaplantsa ang transaksyon.

Pasado alas-nuwebe ng gabi noong Lunes, pinapunta ni Ward ang poseur buyer sa Bernabe Compound, Barangay Pulang Lupa Uno, Las Piñas City.

Ngunit pagsapit ng poseur buyer sa lugar ay ang live-in partner ni Ward na kinilalang si Jennyflor Pecaña y Quilicol, ang naghihintay.

Agad dinakip ng mga awtoridad si Pecaña na nakumpiskahan ng dalawang pakete ng hinihinalang shabu na tig-limang gramo ang timbang.

Bukod dito, nasamsam din sa suspek ang isa pang pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 100 gramo. Sa kabuuan, umabot sa 110 gramo ang nakuha sa suspek na tinatayang P748,000 ang halaga.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROSSEL CALDERON)

37

Related posts

Leave a Comment