LADY PUSHER ARESTADO SA P100K SHABU

CAVITE – Swak sa kulungan ang isang babaeng tulak matapos maaresto sa ikinasang buy-bust operation at nasamsam ang P115,000 halaga ng umano’y shabu sa Bacoor City noong Martes ng gabi.

Kinilala ang naaresto na si alyas “Ate”, nasa listahan ng Street Level Individuals (SLIs) ng pulisya.

Ayon sa ulat ni Police Corporal Jerome Asid ng Bacoor City Police, dakong alas-11:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Bacoor City Police, sa Brgy. Molino 3, Bacoor City na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakuha sa suspek ang tinatayang 17 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P115,600, at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

(SIGFRED ADSUARA)

84

Related posts

Leave a Comment