LADY RIDER, ANGKAS SUGATAN SA AMBUSH

BULACAN – Dead on the spot ang isang lady rider habang sugatan naman ang angkas nito matapos na pagbabarilin ng riding in tandem na bumuntot sa kanila pagsapit sa Road 1, IPO Road, Brgy. Minuyan Proper, City of San Jose Del Monte sa lalawigang ito.

Kinilala ang napaslang na si Mary Joy Gonzales y De Jesus, 36, may asawa, isang call center agent, at naninirahan sa Sitio Gulod, Brgy. Minuyan Proper, CSJDM.

Naglunsad na ng manhunt operation si P/Col. Rannie Lumactod laban sa hindi pa kilalang mga suspek matapos na hindi matunton sa isinagawang follow-up operation.

Nabatid na nangyari ang pamamaril bandang alas-9:30 noong Biyernes ng gabi.

Lumabas sa pagsisiyasat na sinundan ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo, ang biktimang lulan naman ng Burgman Suzuki Motorcycle na may plate no. 658 ROK, habang binabagtas ang kahabaan ng IPO Road, Road 1 papuntang Minuyan Proper,  habang angkas nito ang 31-anyos na si Ruby Espano y Magpusao, dalaga, sales associate, ng Camarin, Caloocan City, at kasalukuyang nanunuluyan sa Upper Quarry, Brgy. Minuyan Proper, CSJDM, Bulacan.

Nabatid na ang dalawa ay pauwi na mula sa LOGBI’S Kaypian matapos na makipagpulong sa  CSJDM LADY RIDERS  Group, na pinamumunuan ng biktima bilang  pangulo ng samahan.

Pinagbabaril ng riding in tandem ang mga biktima dahilan upang bumagsak ang mga ito sa kabilang kalsada .

Nang makalkulang patay ang kanilang target ay mabilis na nagmaniobra ang mga suspek pabalik ng Road 1 at Brgy. kaypian at tuluyang nakatakas. (JESSE KABEL RUIZ)

23

Related posts

Leave a Comment