Laguna PNP strikes again – P/Col. Silvio 22 WANTED PERSONS HULI SA WARRANT DAY OPERATION

INIULAT ni Laguna Police Provincial Office, Officer-In-Charge, Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, kay CALABARZON Regional Police Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkakaaresto sa 22 akusado sa loob ng isang araw na “Warrant Day” operation ng Laguna PNP noong Oktubre 13, 2022.

Ang Warrant Day ng Laguna PNP ay matagumpay na naipatutupad sa pamamagitan ng mga nakalap na impormasyon mula sa aktibong suporta ng mga komunidad at Barangay Intelligence Network (BINs) sa iba’t ibang barangay sa lalawigan ng Laguna.

Sa kabuuan, nagsagawa ng 22 operasyon ng warrant of arrest ang buong pwersa ng Laguna PNP, na nagresulta sa pagkakahuli sa 2 regional level most wanted person, 1 provincial level most wanted Person, 4 na top 10 city/municipal level most wanted person at 15 other wanted persons.

Kinilala ni Police Colonel Silvio ang isa sa mga nahuli na regional level most wanted person na si Pedro Bulan Sueño Jr., alyas “Pedro Sueño”, laborer. Arestado si Sueño sa ikinasang joint manhunt operation ng warrant operatives/trackers team ng San Pedro CPS, 402nd AMC RMFB4A at RIU 4A-Laguna Provincial Intelligence Team noong Oktubre 13, 2022, sa San Pedro, Laguna sa bisa ng warrant of arrest na na inilabas ni Presiding Francisco Dizon Pano, ng Regional Trial Court Branch 93, San Pedro City, Laguna, para sa kasong rape, na walang pyansang inirekomenda.

Samantala, arestado rin ang akusadong si Lienard Orbes, alyas “Lienard Sunico Orbes”, at alyas “Bukol”, regional level most wanted person, sa manhunt operation ng Warrant Operatives/Trackers Team ng San Pedro CPS, 402nd AMC RMFB4A at RIU 4A-Laguna Provincial Intelligence Team noong Oktubre13, 2022 sa San Pedro City, Laguna, sa bisa ng warrant of arrest na na inilabas at nilagdaan ni Presiding Francisco Dizon Pano, ng Regional Trial Court Branch 93, San Pedro City, Laguna, para sa kasong rape (Anti-Rape Law of 1997 RA 8353), na walang pyansang inirekomenda.

Ayon kay P/Col. Silvio, “Ang Warrant Day ng Laguna PNP laban sa mga nagtatagong kriminal ay patuloy na ipatutupad ng ating kapulisan nang naayon sa batas upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima at panagutin ang mga wanted person sa kanilang nagawang krimen. Makakaasa ang komunidad ng Laguna, sa tulong ng ating kapulisan, simbahan at pamayanan, ay sama-sama nating makakamit ang kaayusan, kapayapaan tungo sa kaunlaran”.

68

Related posts

Leave a Comment