LALAKI ARESTADO SA ‘BAWAL BASTOS LAW’

Nasakote ang isang 47-anyos na lalaki sa Daet, Camarines Norte sa isinagawang entrapment operation ng mga pulis noong Sabado.

Kinilala ang suspek na si Marlon Corbito y Ortiz, 47, residente ng Purok 5, Barangay Tulay na Lupa, Labo, Camarines Norte.

Siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Law na may kaugnayan sa paglabag sa RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, at RA 11313 o The Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law).

Ikinasa ang entrapment operation laban sa suspek batay sa sumbong ng isang babae patungkol sa kalaswaan at kahalayan nito.

Ayon sa biktima, walang humpay umanong nagpapasa ang suspek ng malalaswa, nakahubad na mga litrato at bidyo na naglalaman ng sensitibong mga gawain ng suspek sa kanyang messenger account.

Tinatakot at pinipilit din umano siya nitong mag-send ng katulad na mga larawan.

At nitong Sabado, tinuldukan ng mga operatiba ang kalaswaan at kabastusan ng suspek nang mahuli ito sa entrapment operation. (JESSE KABEL)

80

Related posts

Leave a Comment