CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa isang lalaking natagpuang walang buhay habang nakahandusay sa kalsada at tadtad ng mga tama ng bala sa ulo sa bayan ng Kawit sa lalawigan noong Martes ng umaga.
Inilarawan ang biktimang nakasuot ng orange long sleeve na may naka-print na “RN Frried Alamang”, naka-jogger pants, puting tsinelas, at pink cap, at tinatayang nasa 20-30 anyos ang edad.
Ayon sa nakakita sa biktima, dumaraan siya bandang alas-5:00 ng umaga sa Advincula Ave., Brgy, Batong-Dalig, Kawit, Cavite nang matagpuan niyang nakahandusay sa kalsada ang biktimang duguan ang ulo at wala nang buhay.
Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa Closed Circuit Television (CCTV) para sa pagkakakilanlan at mga dinaanan ng suspek sa krimen. (SIGFRED ADSUARA)
3