NAHAHARAP sa kasong alarm and scandal at paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang isang 29-anyos na lalaki makaraang maispatan ng mga tauhan ng Manila Police District Baseco Police Station 13, na nagwawala habang armado ng baril sa Baseco Compound Port Area, Manila noong Biyernes ng madaling araw.
Kinilala ang suspek na si Akmad Jaman, helper, ng Barangay 649, Baseco Compound, Port Area
Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, station commander, bandang alas-12:15 ng madaling araw nang magwala umano ang suspek habang iwinawasiwas ang hawak na baril naging dahilan upang arestuhin nina Police Corporal Ronel Oliveros at Patrolman Rod Moralidad sa tapat ng Baseco Public Market.
(RENE CRISOSTOMO)
