LALAKI TIKLO SA P100K SHABU

KALABOSO ang isang lalaki nang makumpiskahan ng mahigit P100,000 halaga ng umano’y shabu sa Caloocan City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Act of 2002 ang suspek na si Mahid M.Condaraan, 33, ng Barangay 188, Tala, ng lungsod.

Dinamba ang suspek sa MRH Site Four, Barangay 188, ng lungsod, dakong alas-2:30 ng madaling araw noong Nobyembre 1.

Nasamsam sa dinakip ang 15 gramo ng umano’y shabu na may presyong P102,000, at buy-bust money. (ALAN AJERO)

13

Related posts

Leave a Comment