LALAKI TINARAKAN, IPINAANOD NG KAINUMAN

0

BATANGAS – Patay ang isang 29-anyos na lalaki matapos saksakin ng kanyang kainuman at itapon sa ilog sa Sto.  Tomas City sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa ulat, umaga noong Sabado nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Alvin Maraquilla na lumutang sa ilog sa boundary ng Barangay San Vicente at San Roque sa nasabing syudad.

Ayon sa Sto. Tomas Police, nangyari ang pananaksak sa Barangay Sta. Maria kung saan nag-inuman at biktima at ang suspek na si Ariel Almarez, 26, residente ng Biñan.

Nang matapos ang inuman ay nagpasya ang biktima na ihatid ang suspek sa bahay nito. Ngunit nang nasa madilim na bahagi na ay bigla na lamang sinaksak ng suspek ang biktima.

Kinabitan ito ng bato at saka inihulog sa ilog para maitago ang krimen ngunit nadiskubre ang insidente.

Kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang suspek. (NILOU DEL CARMEN)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment