LALAKI TODAS SA SALPOK NG BUS SA QUEZON

QUEZON – Patay ang isang lalaki matapos na masagasaan ng pampasaherong bus sa Quirino Highway, Brgy. Sta. Cecilia, sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Marlon Del Rosario, residente ng nasabing barangay.

Batay sa report, dakong alas-11:00 ng gabi nang mahagip ang biktima ng DLTB bus na patungong Bicol habang papatawid sa kalsada.

Sinubukan pa itong iwasan ng bus subalit nasalpok din ito na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Naaresto naman ng mga tauhan ng Tagkawayan Police ang driver ng bus na si Arthuro Basco na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. (NILOU DEL CARMEN)

101

Related posts

Leave a Comment