LALAKI TUMALON MULA ROOFTOP NG ESKWELAHAN

LAGUNA – Patay ang isang lalaki matapos na tumalon mula sa rooftop ng 4storey building ng isang eskwelahan sa Cabuyao City noong Linggo ng umaga.

Kinilala ng Cabuyao City Police ang biktimang si Clomer Ignacio.

Ayon sa report ng pulisya, batay sa pahayag ng isang saksi, umakyat ang biktima sa apat na palapag na school building ng Citi Global College na nasa Brgy. Uno, sa pamamagitan ng pagdaan sa fire exit steel ladder.

Nang makarating sa rooftop, bigla na lamang umano itong tumalon at padapa na bumagsak sa lupa nagresulta sa daglian niyang kamatayan. (NILOU DEL CARMEN)

77

Related posts

Leave a Comment