LALAKI TUMALON MULA SA CAR PARK NG MALL

DEAD on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang isang 40-anyos na lalaki makaraang tumalon mula sa car park building ng isang mall sa Lacson Avenue, Sta. Cruz, Manila nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si James Erwin, may asawa, residente ng Tondo, Manila.

Batay sa ulat ni Det. Boy Niño Baladjay na isinumite kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-12:26 ng madaling araw, habang nagpapatrulya si Jimmy Guiron, 33, security guard, nang makarinig ito ng kalabog .

Agad itong nag-usyoso sa lugar at nakita ang duguang biktima na isinugod sa naturang pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.

(RENE CRISOSTOMO)

384

Related posts

Leave a Comment