LALAKING INANOD SA RIZAL, NAREKOBER SA QUEZON

NAREKOBER ng mga tauhan ng MDRRMO ang bangkay ng lalaking naanod mula sa Tanay, Rizal patungo sa General Nakar, Quezon noong Sabado ng hapon.

Ayon sa ulat ng General Nakar police, natagpuan ang labi dakong alas-3:30 ng hapon sa Agos river sa Sitio Neo, Brgy. Pagsangahan.

Napag-alaman, naanod sa ilog ang 53-anyos na biktima na residente ng Tanay, habang ito ay naliligo sa Sitio Old Laiban river, Brgy. Laiban, noong Setyembre 4 ng tanghali.

Tinatayang nasa mahigit 30 kilometro ang layo ng kinaanuran nito sa paliko-likong kahabaan ng Agos river.

Nakuha na ng pamilya ang labi ng biktima.

(NILOU DEL CARMEN)

 

179

Related posts

Leave a Comment