LALAKING NA-DEPRESS SA AKSIDENTE NAGBIGTI

CAVITE – Nagbigti ang isang lalaki dahil sa dinaranas na depresyon makaraang maaksidente, sa bayan ng Indang sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Estanislao Panganiban.

Ayon sa ulat, humingi ng tulong ang asawa na si Fidela sa kanilang barangay officials dahil nagkulong sa kanilang bahay ang biktima at nag-padlock ng pinto.

Puwersahang binuksan ng barangay officials, kasama si Fidela, ang pinto ng bahay hanggang sa tumambad sa kanila ang biktima na nakabigti sa kisame gamit ang nylon cord dakong alas-5:10 ng hapon.

Kumbinsido naman ang pamilya na walang foul play sa pagkamatay nito dahil dumaranas umano ng depresyon ang biktima simula nang nagkasugat ang ulo dahil sa vehicular accident.

(SIGFRED ADSUARA)

113

Related posts

Leave a Comment