LAOAG AIRPORT PANSAMANTALANG ISINARA

PANSAMANTALANG ipinasara ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Laoag Airport matapos masira ang ilang pasilidad bunsod ng magnitude 6.4 na lindol sa Abra bandang alas-10:59 ng gabi noong Martes.

Batay sa report ni Area Manager Ronald Estabillo ng Laoag Airport, naapektuhan o nagkaroon ng mga pinsala ang ilang building structures, at ang runway ng naturang airport.

Kasabay nito, nag-isyu ng Notice to Airmen (NOTAM) ang CAAP, magmula nitong araw ng Miyerkoles hanggang Biyernes habang ‘on going’ ang rehabilitasyon sa mga apektadong parte ng paliparan.

 Dahil sa malakas na lindol sa Abra, ipinakansela ang dalawang Manila-Laoag flight ng Philippine Airlines (PAL).  (FROILAN MORALLOS)

11

Related posts

Leave a Comment